FANDOM


LinguaheENflagARflagCAflagDEflagFRflagJAflagMSflagNLflagNOflagPTflagROflagVIflag
Hvetshrenu

Isang babaeng Hvetshran na nasa anyong tao.

Ang Hvetshran o ang lahing Hvetshran ay isang uri ng lahi ng mala-demonyong nilalang na ang importanteng katangian ay ang kanilang reptilyang katangian. Karamihan sa kanila ay mahilig sa karne, maaaring maging aktibo sa araw at gabi at naninirahan (bilang) sa mga angkan.

Kahulugan ng pangalanEdit

Para sa pahina ng tungkol sa salitang Hvetshrenu, tignan ang Hvetshran (HV).

Ang salitang Hvetshran ay nagmula sa pag-iisa ng mga salitang hvec (ang lahing Hvetshran) at jran (tao). Depende sa pagkakasalin, ito ay may alternatibong baybay na "hvetxran", hvechran or hveqran. Subalit, dahil sa madalas na pagkakagamit, ang lumang baybay ay ipinapanatili.

Pagbabago at byolohikong pag-uuriEdit

PagbabagoEdit

Pinaka artikulo: Pagbabago


KlasipikasyonEdit

Ang klasipikasyon ng lahing Hvetshran ay nabibilang sa lahing Animalia, sa ilalim ng phylum ng Chordata. Dahil hindi sila nangingitlog, karamihan ng mga Hvetshranologo ay binibilang ang kanilang lahi bilang Mamalia, sa ilalim ng mga unggoy, at sa ilalim ng Hominidae katulad ng tao. Ang ibang dalubhasa ay pinili ang klasipikasyon na Reptilia.

Ang pagkakaroon ng tugmang klasipikasyon ay hindi madali, dahil ang grupo ng mga nag-aaral tungkol sa lahing Hvetshran o ang mga nag-aaral tungkol sa mga demonyo ay higit na mas kakaunti ang bilang kaysa mga grupo ng byologo. Mayroong patuloy na diskusyon tungkol sa kung ang mga demonyo at nilalang na may kakaibang abilidad ay dapat ba na may klasipikasyon sa mga normal na uri, o kung sila ba ay nangangailangan ng iba, ngunit may pagpaparis na klasipkasyon.

Anatomiya at pisyolohiyaEdit

Pinaka artikulo: Anatomiya

Ang pinaka kapansin-pansin na katangian ng mga lahing Hvetshran ay ang kanilang balat na may kaliskis, tinik sa kanilang mga gulugod, at ang kanilang buntot. Katulad ng mga bampira, mayroon din silang mga matatalas na ngipin dahil sa ibang diyeta kaysa mga tao. Ang kanilang taas ay halos kalahating sentimetro, ngunit hindi masyadong pansin, dahil sa kanilang nakasukot na posisyon.

Karamihan ng mga nabibilang[1] sa lahing Hvetshran ay kayang mag-anyong tao. Subalit, ang pagbabagong anyong ito ay limitado lamang sa kanilang balat at pagtatago ng mga tinik pabalik sa kanilang mga gulugod. Ang pagpapanatili sa ganoong anyo ay maaaring magresulta sa hindi na muling pagtubo ng kanilang buntot pagkatapos ng tag-lamig.

KulturaEdit

LinguaheEdit

Ang buong lahi ng Hvetshran ay ginagamit ang parehong linguahe, Hvetshrenu, sa kanilang buong teritoryo, na may pagkakaiba-iba depende sa katayuan sa lipunan, kasarian, angkan at relihiyon. Ang Hvetshrenu ay hindi lamang salita, dahil kasali rin ang paggalaw ng katawan.

Maliban sa Hvetshrenu, ang linguaheng Khujmül ang ginagamit ng Hvetshran. Ito ay pagbabagay ng mga lokal na linguahe na ginagamit sa orihinal na tahanan, kagaya ng Slovakian at Polish, na ginaya sa pagbuo ng pangungusap na Hvetshrenu. Ang gramatika ay kadalasang simple.

Hindi itinatala ng Hvetshran ang kahit ano sa dalawang linguaheng nabangit. Mayroon lamang silang simpleng nasusulat - alinman sa pag-uukit o paglimbag - na komunikasyon, para sa mga numero, o kung kinakailangan nilang imarka ang lokasyon para sa mahahabang biyahe.

PatunayEdit

  1. halos Walongpung pursyento (80%) ng mga kilalang popluasyon ay kayang magpalit ng anyong tao.
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.